Chapter 29: Reunion
TAIMTIM na nag-alay ng dasal sina Marie at Mark sa puntod ng kanilang anak. Magkahawak kamay na nakaluhod at panatag ang kalooban, kahit wala na ang unang anak nila na nabuo sa maling paraan, pakiramdam nila ay nabuo sila ngayon
bilang isang pamilya.
"Anak, narito na ang daddy!" Nagagalak na kausap ni Mark sa puntod ng anak. "Ang pogi ko noh?"
"Huwag mo ngang yabangan ang bata." Sita ni Marie sa lalaki.
"Pogi naman talaga ako ah, kaya nga inakit mo ako nang gabing iyon." Hindi nagpaawat ito sa pagyayabang.
"Oo na, pogi ka na. Huwag mo nang ipagyabang at lumalakas ang hangin."
"I love you both!" Nakangiti na niyakap ang dalaga ng kanang braso at ang kabilang kamay ay humahaplos sa nitso ng anak.
Inihilig ni Marie ang ulo sa balikat ng nobyo. Nakaupo na sila ngayon at hindi ininda ang init ng araw na tumatama sa kanilang balat. Taimtim niyang naidasal na sana ay hindi na bumalik ang kaniyang sakit.
"Anong gusto mo na maging kapatid, Anak?" jausap muli ni Mark ang kaluluwa ng bata.
"Para kang sira!" Pinitik niya ang ilong ng binata at tumawa ng marahan.
"Sira dahil sa pagmamahal sa iyo!" banat ni Mark sa dalaga.
Napailing na lamang ang dalaga kay Mark. Kahit conry na sa pandinig ang mga sinasabi nito ay kinikilig pa rin siya. Ganoon nga yata talaga kapag mahal mo ang isang tao. "Kailan pala ang balik mo sa Boracay?" tanong ni Marie nang maalala ang trabaho nila roon.
"Ipakilala muna kita kay Daddy at mamulongan bago ako babalik doon upang asikasuhin ang nabinbin kong trabaho. Kung hindi ka agad makasunod doon, babalikan kita dito." "Gusto ko na doon gaganapin ang ating kasal, Babe," ani ni Marie habang nakayakap sa lalaki. Noon pa man ay pangarap na niyang maikasal sa isang isla.
"As you wish, Babe!" Mabilis na kinintalan ng halik sa labi ang dalaga.
Isinama nga siya ng binata sa bahay ng mga ito at ipinakilala sa ama nang araw ding iyon matapos nilang dalawin ang anak.
"Magaling kang pumili, Hijo!" may pagmamalaki na puri ni Manuel sa anak.
"Thank you po sa pagtanggap sa akin!" magalang na wika ni Marie.
"Ako ang dapat na magpapasalamat sa iyo hija, dahil sa iyo ay hinawakan na ng aking anak ang aming negosyo at mabibigyan na rin ako ng apo!"
Pinaalam nila sa matanda ang nangyari sa una nila sanang anak. Nalungkot ito pero dagli lamang iyon at nang gabi ring iyon ay namulongan ang mga ito sa bahay nila Marie. Naging maayos ang pag-uusap ng kanilang mga magulang at napagkasundoan ang buwan at petsa ng kanilang kasal.
Naging laman ng diyaryo ang pagiging engage ni Mark kay Marie. Wala silang nilihim sa pahayagan kung paano sila nagkakilala na dalawa at nagtagpo muli. Marami ang napahanga at kinilig sa kwento ng kanilang pag-iibigan. Mauna nang bumalik sa Boracay si Mark upang asikasuhin na rin doon ang maging venue ng kasal. Si Jhaina ay nakilala na rin niya kung sino talaga ito sa buhay ng binata.
"Sumunod ka agad doon, babe at mag-ingat ka dito." Bilin ni Mark habang hinahalikan sa leeg ang nobya.
"Sige na at pumasok ka na sa loob!" Bahagya niyang tinulak ang binata palabas ng sasakyan. "Mag-ingat ka rin at huwag magpatukso sa mga babaeng naka-two piece doon."
"Ngayon pa ba ako titingin sa iba gayong sa iyo pa lang ay busog na ang aking mga mata?" Simpatikong ngumiti ito, kung hindi lang sa ma-late siya sa kanyang flight, hindi pa siya lalabas ng kotse.
"Hintayin ko lang na makalabas ng hospital si Ate at susunod ako doon."
"Take your time with your sister, babe, I love you!" Mabilis na kinintalan sa labi ang dalaga bago tuloyang lumabas ng sasakyan. Hindi na siya nagpahatid sa loob ng airport dahil baka mahila niya ito hanggang sa loob ng eroplano. Bumalik si Marie sa hospital upang alagaan ang kapatid kahit naroon naman ang asawa nito.
"Pwede ka namang sumunod na doon sa Boracay, huwag mo na kaming alalahanin dito.
," ani ni Joy nang mapansin na malungkot ang kapatid dahil nasa malayo si Mark.
"Ganito ba talaga, ate ang nararamdaman kapag malayo sa iyong minamahal?"
"Normal lang iyan, sis lalo na at bago pa lang ang inyong relasyon." Nakangiti na tugon ni Joy.
Dalawang araw pa lang na nagkahiwalay sila ni Mark ay sobrang na miss na niya ito. Halos oras-oras naman ay tumatawag ito sa kanya pero hindi pa rin napupunan niyon ang kanyang pangungulila dito.
...
"BRO!" Pasigaw na bati ni Zoe kay Mark nang madatnan niya ito sa loob ng opisina.
"Hey, what's up Bro!" Sinalubong niya ng yakap bilang kapatiran ang kaibigang intsek.noveldrama
"It's feel so good to be here in your country, bro, I miss n
Filipina Girls!"
"Are you alone?" tanong niya dito, hindi pa nito alam na ikakasal na siya.
"No, Jamel want to see you."
Nakuha naman agad ni Mark ang ibig sabihin ng kaibigan. Isang buwan pa lang nang bumalik ito sa Hong kong at hindi na siya nagtaka kung bakit bumalik ito roon na walang pasabi. Si Jamel ay isang half Fiipino and Japanese, naging karelasyon bago pa nakilala si Marie.
"Damn! I'll be in big trouble because of her!."
"Sorry, bro, she would not stop bothering me." Apologetic na wika ni Zoe, kinakapatid nito ang babae kung kaya malapit sa isa't isa.
"Where is she?"
"Outside," tanging sagot ni Zoe.
Nagmamadaling lumabas si Mark at hinanap si Jamel. Kailangan niyang prangkahin ito at pabalikin sa pinanggalingan nito dahil baka biglang dumating si Marie.
"Here you are!" Masigla na sinalubong ni Jamel ang lalaking minamahal.
"What do you want?"
Napatigil si Jamel sa tangkang pagyakap sa binata nang mabilis itong umiwas.
"Ganyan ka na ba magtrato sa iyong bisita?" Mapang-akit na tanong nito sa binata na seryosong nakatingin sa kanya.
"Ayaw ko nang gulo Jamel, sana lang ay bakasyon lang talaga ang pinunta mo dito dahil ikakasal na ako."
"Really?" hindi naniniwala na tanong niya dito. Sa haba ng panahon na wala itong karelasyon at siya lang itong matyaga na bumubuntot dito upang mahalin din ng lalaki. "Alam ko na sinasabi mo lang iyan upang tigilan na kita." "Wala akong panahon para mag-aksaya ng oras sa iyo, mas mabuti pa na umuwi ka na lamang at ibaling ang pagmamahal mo sa iba."
Nasaktan si Jamel sa kagaspangan ng ugali na pinakikita ngayon sa kanya ni Mark. Mukhang totoo nga na nagmahal na ito ng ibang babae.
"Maari ba na samahan mo ako maglibot sa isla na ito kahit ngayon lang? Pangako ito na ang huli na pagkikita natin!"
Napaisip si Mark habang pinag-aaralan ang mukha ni Jamel. Binabasa kung wala ba itong balak na iba sa pagkakataon na ito. "Just today!" aniya upang matapos na ang pangungulit nito.
"Thank you!"
Hindi na napigilan ni Mark ito nang yumakap sa kanya. Tulad ng usapan, sinamahan niya ito maglibot at namasyal sa lugar na gusto nito. Lubog na ang araw nang makabalik sa hotel kasama pa rin ito.
"Bro!" Hinihingal na sumalubong sa kanila si Zoe.
"What's wrong?" Napakunot ng noo si Mark, mukhang may problema na naman ito sa babae.
"The girl!" Hinahapo pa rin na saad nito.
"Sabi na nga ba" Palatak ni Mark sa kanyang isip.
"Girl looking for you!" Baluktot na ang dila, kahit salitang english minsan ay hirap ito magsalita at hindi buo ang sentence.
"Babae ko na naman?" Napakamot sa ulo na tanong niya sa kanyang sarili.
"She's waiting for you there!" Turo nito sa babae na tanaw nilang nakatayo sa bukana ng hotel.
"Shit!" Malakas na nasambit ni Mark nang makilala ang babaeng naghahanap sa kanya at huli na para magtago pansamantala dahil nakita na siya nito.
"Yeah, its really shit, Bro. Finally she found you!"
Gustong batukan ni Mark ang kaibigan sa sinabi nito. Hindi ito nakakatulong sa kanya ngayon, alam niya na mukha na siyang nakainum ng isang basong suka ngayon lalo na nang humakbang si Marie palapit sa kanila at matalim ang tingin sa katabi niyang babae.
Hinamig muna ni Marie ang sarili bago nilapitan ang nobyo na halatang kabado. Nasabi na sa kanya ni Zoe kung sino ang kasama ng lalaking umalis at namasyal.
"Napagod ka ba?" Malambing na tanong niya sa nobyo pero ang mga mata ay nanatiling nakatingin sa babae na masama ang tingin sa kanya.
"Ah eh oo, Babe!" nalito si Mark sa ikinikilos ng dalaga. Inaasahan niya na magalit ito at komprontahin siya kung sino ang kanyang kasama.
Next time ay dalhin mo ang iyong cellphone kung saan ka man magpunta, ok?" Makahulogang ngumiti ito sa binata at itinaas ang cellphone na hawak. Naiwan iyon ng binata sa kanyang opisina na hindi niya namalayan kanina. "Sorry, Babe!" Napalunok ng sariling laway na sagot nito sa nobya. Kinakabahan siya sa kakaibang paraan nito ng salita at ngiti sa kanya ngayon. Tila ba may dalang panganib sa kanya ang dulot niyon at may kakaibang parusa na naiisip ito. "Sino siya, Hon?" Mataray na tanong ni Jamel at kumapit pa sa braso ng binata.
Muling napalunok ng laway si Mark nang umarko ang isang kilay ng nobya habang nakatingin sa kamay ni Jamel na pumulupot sa kanya.
"Hon?" mapang-uyam na tanong ni Marie.
"Siya ang magiging asawa ko, Jamel, binalaan na kita kanina na huwag gumawa ng eksena kaya kita pinagbigyan na samahan maglibot!" Marahas na binaklas niya ang kamay ng babae at lumapit sa nakasimangot na nobya. "I'm sorry!" napahiya na turan ni Jamel. Kita niya kung gaano kamahal ng binata ang babae.
Si Marie na mismo ang humila sa binata papasok ng hotel, ang kaba sa dibdib ni Mark ay hindi na nawala.