CHAPTER 27: She Is Evil
(Prince)
-----Flashback-----
"Magaling ang loko loko." nakapameywang na usal ni Niko habang nakatutok sa monitor.
Naririto kami sa security office at sinisilip ang mga kuha ng CCTV noong mga oras na may tumangay kay Patty na hindi kilalang lalake. Dalawa lang kami ni Niko dahil may iba namang iniimbistigahan sila Vince at Renz.
"Ano nga kaya ang pakay niya kay Patty?" Wala kasi akong maisip na dahilan para gawin niya iyon sa dalaga.
"Pinagplanuhan niya, dahil maging ang mga CCTV patay ng mga oras na 'yon." sambit ni Niko saka tumayo at lumapit sa isa sa mga table do'n at doon umupo. "Paano natin malalaman kung sino ang gagong 'yun? Wala tayong makikitang ibidensiya."
"Isa lang ang makakagawa n'yan dito pero ayokong manghusga. I still need some proof." turan ko at saka lumapit muli sa monitor at may iba pang hinanap.
"You know him?" namamanghang rinig kong tanong ni Niko mula sa table na kinauupuan nito.
"Yeah."
"Then who?"
"It was Lance."
"Eh? Lance? Si pareng Lance natin?' Paanong---?" gulat na gulat nitong tanong.
"Huwag kang maingay! Baka may makarinig sa'yo." mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo sa harapan ng mga computer at tinakpan ang bibig ni Niko.
Nanlalaki ang mga matang tumango tango ito. Binitawan ko naman ang bibig nito ng masiguro na hindi na nga ito mag-iingay.
Umupo akong muli sa upuan sa harap ng mga computer, tumagilid ako at humarap kay Niko.
"Naalala mo ba ang nangyare noon sa tagaytay? Sa guess house?"
Tumango ito. "Yung sunog sa kwarto nila Cutie Pie?"
Minsan talaga ang sarap sakalin nitong si Niko lalo na kapag tinatawag niyang Cutie Pie si Patty. "Si Lance ang may kagagawan ng sunog doon."
"What?!"
Sa pangalawang pagkakataon tinakpan ko na naman ang bibig nito. Napaka-ingay talaga nito. Itinaas nito ang dalawang kamay at umiling ng ilang ulit.
"Paano mo naman nasabi na siya? Any evidence?" bulong nito.
"Yes, but I don't think kailangan ko na iyong ilabas ngayon. Gusto ko munang mapatunayan na siya rin ang lalake na tumangay kay Patty noong audition day saka ko ilalabas ang ibedensya pa na hawak ko." Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa.
"Anong binabalak niya kay Patty? Magkakilala na ba sila Patty at Lance noon pa? May atraso ba si Patty sa kanya? Haist! Ang gulo. Kinikilabutan ako dude." anito na ipinakita pa ang mga braso saka ipinagpag iyon.
Kahit ako naman hindi makapaniwala sa mga natuklasan ko noong araw na ibigay sa akin ng private investigator ko ang mga nakalap nitong ibedensya about kay Lance at Patty. 'Binalak ba niyang patayin si Patty? Pero bakit?'
-----End of flashback-----
And now sigurado na akong si Lance nga ang may pakana ng sunog sa guess house maging ang pagtangay nito kay Patty noong audition at matagpuan si Patty ng walang malay.
Sa bibig na nito mismo nanggaling ang lahat. Umamin ito sa harap namin ni Renz kahapon lang matapos nga siyang makita ni Renz na lumabas ng office ng daddy nito. He is a secret agent. Hi-nire siya ng daddy nito 2 years ago na hanapin ang nawawalang kakambal ni Renz na si Monique at imbistigahan ang nangyareng sunog noon sa mansion ng mga Dela Vega.
I can't imagine na all this time nagpapanggap lamang siyang simpleng tahimik na estudyante at mahilig sa pagbabasa ng libro. Iyon pala tahimik itong nagmamanman at nag-iimbistiga.
Hinila nito si Patty noong audition para sa sample ng buhok nito, for DNA test. Hindi naman daw nito dapat hihilahin si Patty, kukuha lang dapat siya ng ilang hibla ngunit baka may ibang makakita ng gagawin niya kaya't dinala na lamang niya ito sa hindi mataong lugar. Nagtataka sila kung bakit naging negative ang result ng DNA ni Patty iyon naman pala kagagawan din iyon ni Lina at ng mga umampon kay Patty. The fake evidence that Lina gave us secretly. Pinagpalit nila ang result.
About naman sa sunog sa tagaytay. He just did that to confirm something. Hindi nito balak patayin si Patty, alam din naman daw nitong may magliligtas kay Patty at alam niyang kami iyon. Kung hindi man, siya daw mismo ang magliligtas sa dalaga. Maliit na apoy lamang ang ginawa ni Lance ngunit lumaki iyon dahil kay Lina.
Si Lina na itinuring na kaibigan ni Patty. Kahit nakita na nitong may sunog sa kwarto nila ni Patty hindi niya tinulungan ang dalaga kahit alam naman nitong nasa loob ang kaibigan nito o humingi man lang ng tulong para maapula iyon ng makita na maliit pa lamang ang apoy. Ngunit siya pa ang naging dahilan kung bakit lumaki pa lalo ang apoy.
She is evil. I don't know the reason why bakit niya ito ginagawa kay Patty pero hindi iyon sapat na dahilan para pumatay siya. Hindi ko mapigilan na kumuyom ang mga kamay habang pinakikinggan itong nagsasalita na may kausap sa cellphone nito.noveldrama
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Kailangan mong tibayan ang loob mo." turan ko kay Renz habang seryoso pa ring nakatanaw kay Lina. "Masisira ang lahat ng pinaghirapan ng daddy mo para lang mahanap ang kapatid niyo." mahinang turan ko muli at hinawakan si Renz sa kaliwang balikat saka iyon tinapik tapik.
"Yeah, I know." mahina na sagot nito.
Hindi ko masisisi si Renz kung bakit hindi na ito makapagpigil. Lina is one hell of an evil woman, masama ito at hindi namin alam kung ano pa ang binabalak gawin ng mga ito kay Patty. "What?!"
Naalarma kami ng sumigaw si Lina. Kitang kita kung paano nagbago ang expression nito. Mula sa mala-anghel nitong ngiti kanina na ngayo'y nauwi sa mabalasik at galit na mukha. "Ayoko tita! You told me palilipatin mo na si Patty sa ibang school. Bakit nagbago ang desisyon mo?"
Hindi na lilipat si Patty? Nagkatinginan kami nila Renz at Lance. Sumenyas si Renz ng thumps up. Nakangiti na itong muli. Maging ako'y parang nabunutan ng tinik sa dibdib. "But---" hindi na mapakali itong si Lina. Nakailang paruo't parito na sa paglalakad habang kagat-kagat ang isang kuko sa daliri.
"Fine! As long as wala pa siyang naaalala. Hmm... Okay bye."
Matapos nitong magpaalam sa kausap umalis na rin ito kaagad sa garden. Umayos naman kami ng upo nila Lance at tumabi kay Renz na nakasalampak na kanina pa sa damuhan. "Hanggang kailan natin ito gagawin?" nakatanaw sa kawalan na tanong ni Renz.
"As long as mas marami tayong makuhang ebidensya at mapatunayan ang kasamaan na ginawa ng mga umampon kay Patty sa inyo 14 years ago." Lance told us.
Tama si Lance, kahit ako gusto ko ng isiwalat ang totoo ngunit hindi pa namin nakukuha ang katotohanan na sila nga ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhang ito. Konteng tiis pa.